KABANATA VIII: MALIGAYANG PASKO


TAUHAN

Juli - anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio; napilitang manilbilhan kay Hermana Penchang upang matubos ang ama sa pagkadakip.

Tata Selo - ama ni Kabesang Tales

Hermana Penchang - mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Kabesang Tales - siya  ang ama ni Juli at anak ni Tata Selo na dinakip ng mga guwardiya sibil.

BUOD

Pagkagising ni Juli, agad niyang tinugo ang kinalalagyan ng mahal na birhen upang alamin kung ibinigay nga ba ang hinihiling niyang pera para sa kalayaan ng ama niyang si Kabesang Tales. Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili ng makitang walang himalang naganap. Dahil dito kinailangan niyang magpa-alila para makakuha ng pera. Naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo na si Hermana Penchang. Siya ay umalis habang naiwan naman si Tata Selo na napakalungkot kahit pasko na.

Tuwing pasko ang mga bata ay bininihisan nang magara ng kanilang mga ina upang magsimba ng maaga at pagkatapos ay dadalhin sa kani-kanilang mga ninong at ninang upang mamasko at manghigi ng aguinaldo. Hindi ito nagustuhan ng mga bata dahil sila ay ginigising ng napakaaga, pilit silang pinapakanta at pinapasayaw, at kinukuha ng mga magulang nila ang kanilang mga aguinaldo. Kung hindi sila susunod sila'y kukurutin.

Dumating ang mga kamag-anak ni Tatang Selo upang mamasko, labis ang lungkot ng matanda dahil alam niyang wala siyang maibibigay, nang tangkain ni Tandang Selo na batiin ang mga kamag-anak na dumalaw sa kaniya upang mamasko, laking gulat nilang lahat na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Sinubukan niyang pisilin ang lalamunan, pihitin ang leeg,  sinubukang tumawa subalit kumi-kibot na lamang ang kanyang mga labi. At napipi si Tandang Selo.

PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. Panahon at Lugar
1. Sa bahay ni Kabesang Tales sa nayon ng sagpang, bayan ng Tiani, Kanugnog sa San Diego
-kung saan madalas mamintana si Tandang Selo upang pamasdan ang mga taong may kilik na bata at ang iba ay akay na anak.

2. Simbahan ng San Diego
-kung saan siya binati ng kanyang mga kamag-anak ng "Maligayang Pasko" dito rin nila nalaman na napipi na si Tandang Selo.

B.Suliranin
-ang mga pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang pagnananap ni Juli ng salaping inaasahang ibigay ng Birhen ay kaigisan ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos cng awa.

C.Isyung Panlipunan
Nagsikap si Juli upang matubos si Kabesang Tales at upang magbigay ng tulong ang kanilang pamilya,

ARAL
- ang pasko ay pagbibigayan at pagpapatawad
- ang anak na mapagmahal at mapagmalasakit ay gumagawa ng mabuting paraan upang mailigtas sa kapahamakan ang minamahal sa buhay.


Comments