KABANATA VIII: MALIGAYANG PASKO TAUHAN Juli - anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio; napilitang manilbilhan kay Hermana Penchang upang matubos ang ama sa pagkadakip. Tata Selo - ama ni Kabesang Tales Hermana Penchang - mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Kabesang Tales - siya ang ama ni Juli at anak ni Tata Selo na dinakip ng mga guwardiya sibil. BUOD Pagkagising ni Juli, agad niyang tinugo ang kinalalagyan ng mahal na birhen upang alamin kung ibinigay nga ba ang hinihiling niyang pera para sa kalayaan ng ama niyang si Kabesang Tales. Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili ng makitang walang himalang naganap. Dahil dito kinailangan niyang magpa-alila para makakuha ng pera. Naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo na si Hermana Penchang. Siya ay umalis habang naiwan naman si Tata Selo na napakalungkot kahit pasko na. Tuwing pasko ang mga bata ay bininihisan nang magara ng kanilang mga ina upang magsimba ng ...